Mas maraming mga deboto inaasahang darating sa Hinulid Shrine sa Calabanga Camarines Sur

NAGA CITY – Lunes Santo na kaya inaasahan na mas marami ang darating sa Hinulid Shrine para bumisita sa imahe ni Amang Hinulid sa Barangay Sta.Salud-San Miguel, sa Calabanga Camarines Sur lalo na halos wala nang restrictions.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Edna Mariscal, ang secretary ng Hinulid Shrine sinabi nito na mula sa araw na ito Lunes Santo hanggang Miyerkules Santo ay may misang gagawin sa oras na alas- 9 ng umaga.

Anya’y ang magiging sistema sa barangay San Miguel pipila ang mga lalapit sa imahe at sa Barangay Sta.Salud naman sila lalabas o ang exit.

Sa Miyerkules Santo pagakatapos ng alas nueveng misa, papaliguan ang Mahal na Hinulid na inaasahang mas maraming deboto ang darating para masaksihan ang taunang pagligo ng imahe.

Pagdating naman sa Huebes Santo, taunang paglalakad ng mga deboto ang magaganap galing sa Naga City o karatig bayan, para makarating sa Hinulid Shrine mahigit 20 kilometro ang lalakarin.

Tulad ng dati sarado ang kalsada sa lugar at bawal ang anumang sasakyang makapasok, maliban lang kung may emerhensiyang sitwasyon.         

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *