NATIONWIDE SYMPOSIUM ON STUNTING PHENOMENON inilunsad ng Brigada Group ngayong araw kasabay ng kaarawan ng President/ CEO ng kumpanya

Bilang handog pasasalamat at pagdiriwang sa kaarawan ng CEO at Presidente ng Brigada Group na si Elmer V. Catulpos, inilunsad ang malawakang “End Stunting Now Advocacy Symposium” sa 15 Brigada FM stations sa buong bansa ngayong Sabado, April 15, 2023.  

Ang adbokasiyang ‘End Stunting Now’ ay inilunsad ng Brigada Group sa pamamahala ng Brigada Foundation Inc., noong Enero sa taong kasalukuyan, bilang inisiyatibo para tuldukan ang stunting o pagkabansot sa Pilipinas at bilang kontribusiyon ng kompanya sa pag-unlad ng bansa.  

Malaki ang epekto ng pagkabansot o stunting sa cognitive development, physical growth at behavioral well-being ng bata.

Naniniwala ang Brigada Group na ang kinabukasan ng kabataan ang siyang susi para sa pag-unlad ng bansa kung kaya’t kinakailangang pangalagaan ang kanilang kalusugan habang lumalaki at pagyamanin ang kanilang kakayanan.  

Bukod sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa negatibong epekto ng stunting sa mga bata ay tatalakayin din sa symposium ang iba’t-ibang paraan kung paano ito maiiwasan.

Iimbitahan para sa aktibidad na ito ang mga batikang eksperto upang talakayin ang mga paksa tungkol sa stunting.  

Bukod dito ay mamimigay rin ng mga maternity kits o gamit sa pagbubuntis gaya ng mga pangunahing gamit at damit na kailangan ng isang ina mula pagbubuntis hanggang sa panganganak.  

Mayroon ding libreng check-up para sa mga buntis.   

Ayon sa pananaliksik ng Department of Science And Technology-Food And Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) noong 2021 sa Expanded National Nutrition Survey (ENNS), isa s bawat apat na bata o 26.7 percent na may edad lima pababa ang biktima ng stunting.   

Mataas ang antas ng stunting sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa Timog-Silangang Asya at isa sa sampung pinakamataas sa buong mundo.  Sa kabila ng suliraning ito, naniniwala ang Brigada Group na masosolusyonan ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng komunidad.   

Maaaring matagal pa bago tuluyang matuldukan ang suliraning ito, ngunit ang suporta ng bawat Ka-Brigada ay isang mahalagang hakbang tungo sa inaasam na kinabukasan kung saan ang mga bata ay hindi na magiging biktima pa ng pagkabansot o stunting.  

Sa susunod na mga buwan at taon ay mas pa-iigtingin pa ang mga plataporma, programa at produkto ng Brigada para masugpo ang tinaguriang “global silent pandemic”.  

Naniniwala ang pangulo ng Brigada Group na ang pagpapalaganap ng kamalayan patungkol sa stunting at pagbibigay tulong sa mga buntis ay angkop na pasasalamat sa lahat ng sumusuporta sa Brigada at sa mga adbokasiyang isinusulong nito.  

Kung kaya, sa pagdiwang ng kanyang kaarawan ngayong taon, inilunsad itong aktibidad na ito upang ipagdiwang ang mga naging katuwang ng Brigada sa adbokasiyang ito, at ibahagi ang adhikain ng Brigada para sa isang maunlad na sambayanan.  

Kasama ito sa layunin ng Brigada Group na maipadama sa lahat, nakatuwang ang Brigada sapag-angat ng bawat Pamilyang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *