NBA: Bucks tinalo ang Nets, tabla na sa 2-2 sa East semis

Nagawang maitabla ng Milwaukee Bucks sa 2-2 ang serye laban sa Brooklyn Nets matapos kunin ang panalo sa Game 4 ng NBA Eastern Conference semi-finals, 107-96.

Nagtala ng combined 53 points ang dalawang star ng Bucks na sina Giannis Antetokounmpo na humakot ng 34 points at 12 rebounds, habang si Chris Middleton naman ay nagtala ng 19 points at 8 assists.

Sa pagtatapos ng unang quarter ay lamang pa ang Brooklyn 26-23 subalit pagsapit ng ikalawang bahagi ng laban ay unti nang uminit si 2x NBA MVP Antetokounmpo para tuluyang ilayo ang Bucks.

Nangangalahati pa lamang ng 2nd quarter nang ilabas si Kyrie Irving matapos magtamo ng injury sa paa at hindi na nakabalik sa game.

Sa kabuoan nagtala si Irving 11 points sa kanyang 17 minutes action sa hard court.

Humakot naman si Kevin Durant ng 28 points para sa Nets na ininda ang kakulangan ng ambag mula sa kanyang mga teammates.

Bababalik ang Game 5 sa home court ng Brooklyn sa Miyerkules, June 16.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *