Inuman sa bayan ng Basud nauwi sa pananaga, apat sugatan

CAMARINES NORTE- Nauwi sa pananaga ang isang inuman sa Purok 1, Brgy. Mandazo, Basud, Camarines Norte, maghahating gabi ng Miyerkules, Abril 19, 2023.

Kinilala ang mga biktima na sina alias Liza, 32 anyos, dalaga, sari-sari store owner,  alias Dan, 33 anyos, binata tricycle driver, at si alias Joseph, 42 anyos, binata, magsasaka,  pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Kinilala naman ang suspek na si Joel, 33 anyos, binata,  magsasaka at residente rin ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat ng Basud Municipal Police Station, nag iinuman umano ang mga biktima at suspek nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ni Dan at suspek na si Joel.

Dito na umano kumuha ng itak ang suspek at tinaga sina Dan at Liza.

Sinubukan namang awatin ni Joseph ang suspek ngunit tinaga rin ito.

Dinala ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRMO-Basud ang mga nabanggit na personahe sa Camarines Norte Provincial Hospital upang magamot.

Nagsagawa naman ng masusing imbestigasyon ang himpilan ng Basud MPS para malaman ang puno’t dulo ng pangyayari.

Nakalabas na ng ospital ang suspek  na nasa kustodiya ngayon ng naturang Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.

Ang isa sa mga biktima ay nakalabas na rin ng ospital habang ang dalawang iba pa ay nananatili sa pagamutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *