Nag-alburoto ang maraming konsyumer ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) sa bayan ng Narra dahil sa patay-sinding ilaw ngayong araw ng Biyernes.
Mababatid kasing mula kahapon, magdamag at kaninang tanghali ay patuloy ang pagkawala ng kuryente sa maraming kabahayan at establisyemento.
Ayon sa paliwanag ng substation, line fault daw ang sanhi nito ngunit ipapa-isolate na umano ang area para hindi na maapektuhan ang iba.
Samantala, humihingi ng paumanhin ang kooperatiba ng kuryente dahil sa masamang epekto nito sa buhay at hanapbuhay.