6 farmer’s association sa Albay, tumanggap ng aabot sa mahigit PHP3M halaga ng Yellow Corn Production Enhancement Program package ng DA Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) Bicol na anim na asosasyon ng mga magsasaka sa lalawigan ng Albay ang tumanggap ng aabot sa mahigit PHP3,000,000 halaga ng Yellow Corn Production Enhancement (YCPEP) package ng ahensya.

Batay sa impromasyon mula sa DA Bicol, ito ay binubuo ng isang daan at walumpung mga benepisyaryong magsasaka.

Ang nasabing packagae ay ibinigay sa isinagawang awarding ceremony ng nasabing ahensya at ang distribusyon ng Pump Irrigation System for Open Source (PISOS) sa mga cluster associations hindi lamang sa Albay, kundi maging sa lalawigan din ng Camarines Sur at Masbate.

Samantala, sa nasabing aktibidad, dalawampu’t siyam na mga farmers association sa Camarines Sur ang nakatanggap din ng YCPEP package na aabot sa mahigit PHP15,000,000 ang halaga, at binubuo ng walong daan at apatnapung mga magsasaka.

Dagdag pa rito, anim na farmers associations din mula sa Masbate, na may isang daan at walumpung mga magsasaka ang tumanggap ng kaparehong interbensyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *