Sako-sakong sangkap sa pampasabog, narekober sa isang negosyante sa Masbate

Narekober ng mga awtoridad ang sako-sakong sangkap at gamit sa paggawa ng mga pampasabog sa isang negosyante at kasamahan nito na isang gold panner sa Brgy Tinago, Aroroy, Masbate.

Kinilala ang mga ito na sina Glen Marfil Casinillo, 50-anyos, may asawa, negosyante at Dante Somalenog Salidaga, 50-anyos, gold panner kapwa naninirahan sa Brgy Panique ng nasabing bayan.

Sa ulat na nakuha ng Brigada News, nakatanggap umano ng impormasyon mula sa isang concencerned citizen ang himpilan ng pulisya ng Aroroy na may mga lalaking nagdidiskarga ng mga sako na hinihinalang ang laman ay ammonium nitrate.

Agad na bumuo ng tim ang Aroroy MPS katuwang ang 3rd at 1st PMFC; PIU ng Masbate PPO at ng 502nd MC ng RMFB5 at pinuntahan ang nasabing lugar.

Nadatnan pa ng mga awtoridad ang dalawang suspek na nagdidiskarga ng isang sako ng hinihinalang ammonium nitrate o ‘abono.’

Agad nagsagawa ng search ang mga awtoridad sa nasabing  ware house at tumambad pa sa kanila ang ilang sako ng sodium nitrate at 15 pirasong blasting caps.

Walang naipakitang dokumentos ang mga suspek dahilan para arestuhin ang mga ito kasabay ng pagkumpiska sa mga gamit sa pampasabog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *