LGU legazpi nilinaw na wala pang abiso para sa pagbabakuna sa mga nasa A4 priority group

BICOL—Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Legazpi na wala pang abiso ang IATF hinggil sa pagbabakuna sa mga nasa A4 priority group.

Sa ngayon ay, nasa A3 pa rin ang vaccination rollout sa lungsod o ang mga indibidwal na may comorbidities.

Dahil dito, hinimok ng LGU ang mga kabilang sa naturang grupo na antabayan ang tawag sa kanila kung sila ay nakapagparehistro na sa Electronic Immunization Registry ng lungsod.

Muli ring ipinaalala na bawal ang walk in at tanging ang mga nakaschedule lamang ang aakuin sa mga vaccination sites.

Dalhin lamang sa registration counter ang kanilang medical certificate sa schedule day of vaccination.

Pero matapos na mailabas sa social media ang abisong ito ng LGU ay bumuhos ang reklamo at mga katanungan.

May ilang nagtatanong kung bakit hindi pa rin sila tinatawagan hanggang ngayon gayong kabilang pa sa senior citizen priority list ang ipinarehistrong babakunahan.

Mayroon namang nagfollow up tungkol sa status ng schedule ng kanyang ina na isang senior citizen at may commorbidity pa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin natatawagan.

Tugon naman ng LGU, makipag ugnayan sa numerong 09207097091.

Suhestyon naman ng isang nagkomento, magdagdag ng tauhan sa 911 upang maasikaso nang husto ang scheduling ng mga babakunahan.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *