14 Chinese militia vessels namataan sa Julian Felipe Reef

Aabot sa 14 Chinese militia vessels ang namataan sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea batay sa isang report.

Ayon sa ulat, namataan din ng Philippine patrol ang parehong bilang ng Chinese vessels sa area kamakailan.

Sinabi ni Carlo Schuster, isang retired US Navy captain at ngayo’y professor ng diplomacy and military science, sinusubukan ng Beijing na kunin ang “de factor” control sa area sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga barko.

Umaasa aniya ang China na mapaalis ang mga Pilipinong mangingisda sa nasabing teritoryo at kung walang magpupuntang Philippine authority roon, magiging Chinese waters na ang reef.

Mababatid na nitong weekend, sinabi ng European Union na banta sa peace at stability ang presensya ng malaking Chinese vessels sa Julian Felipe Reef.

Dahil dito, hinimok ng unyon ang lahat ng partido na resolbahin ang disputes sa pamamagitan ng mapayapang paraan sa ilalim ng international law partikular na ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kabilang na ang dispute settlement mechanisms.

Matatandaang ilang beses na naghain ng protesta ang Pilipinas kaugnay ng presensya ng foreign vessels sa Julian Felipe reef at pinaaalis ang mga ito sa lalong madaling panahon. (VELLA GONZAGA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *