Panibagong daily record high ng COVID-19 naitala sa lalawigan ng Camarines Norte nitong weekend

CAMARINES NORTE- Umakyat sa 887 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Camarines Norte sa ipinalabas na case bulletin report ng DOH Bicol kahapon

Ito’y matapos na maitala ang 59 new cases nitong weekend

Sa ulat ng DOH para sa COVID-19 cases ng lalawigan nitong sabado, nakapagtala muli ng daily record high ang lalawigan na may 47 new cases mula sa bayan ng Daet na may 16, habang naitalang bagong 8 kaso sa bayan ng Labo, 7 sa Basud , tig -3 kaso ang bayan ng San Vicente at Vinzons,

Samantala, tig- da-dalawang kaso naman ang nagmula sa bayan ng Jose Panganiban, Paracale, Sta. Elena at tig-i-isang kaso ang nagmula sa bayan ng Mercedes at San Lorezon Ruiz

12 panibagong kaso naman ang naitala kahapon kung saan may tig-5 kaso ang bayan ng Daet at San Vicente habang 2 kaso ang nagmula sa bayan ng Paracale

Sa kasalukuyan, umakyat na sa 340 ang aktibong kaso sa lalawigan

Habang sumampa naman sa 514 kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit matapos makapagtala ng 44 new re4coveries nitong sabado

Wala namang naitalang pagkasawi sa COVID-19 kung kaya’t nananatili ang bilang nito sa 32

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *