Pag-iisyu ng armas sa anti-crime volunteers, para tumulong sa law enforcement, magreresulta sa mas maraming krimen ayon kay Lacson

Nagbabala si Senator Panfilo Lacson, na dating hepe ng Philippine National Police mula 1999-2000, na ang pag-iisyu ng armas sa anti-crime volunteers para tumulong sa law enforcement ay maari lang mauwi sa mas marami pang krimen lalo na kung ito ay maabuso.

Kinwestyon ng senador kung ano na lang ang mangyayari kung pati ang untrained civilians ay aarmasan kung ang mga pulis na dumaan sa pagsasanay ay prone pa rin sa pagkakamali.

Ayon kay Lacson, ang pag-aarmas sa mga sibilyan para labanan ang kriminalidad ay magba-backfire lamang, lalo na ay wala silang maayos na pagsasanay at mindset.

Sa Estados Unidos anya, ay marami nang nangyayaring pamamaril dahil sa mga batas na may kinalaman sa loose firearms.

Sinabi naman ng senador na ang firarms outside residences (PTCORs) ay dapat iniisyu lamang sa mga papasa sa requirements kabilang na sa gun safety seminars, practical at neuro-psychaiatric tests, at personal appearance ng applicants.

Iginiit ni Lacson na tanging ang mga tao lamang na dapat ay otorisadong magbitbit ng armas sa labas ng kanilang mga bahay ay mga unipormadong pulis at military personnel na nasa official mission.

Ipinunto ni Lacson na dapat ay makonsidera ang kahit sino na may criminal intent, at dapat ay mahuli ng on the spot ang kahit sino na magbibitbit ng armas, kabilang na ang mga opisyal ng PNP na hindi nakauniporme.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *