Camarines Norte muling nakapagtala ng 22 panibagong kaso at 1 pagkasawi sa ulat ng DOH kahapon

CAMARINES NORTE- As of August 18, 2021 pumapalo na sa 1,554 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte

Sa ipinalabas na case bulletin report ng DOH Bicol kahapon, 22 panibagong kasong ang naitala mula sa bayan ng Daet na may 7 bagong kaso, 6 ang nagmula sa bayan ng Labo, tig-3 kaso ang bayan ng Jose Panganiban at Vinzons, 2 kaso ang nagmula sa Mercedes at 1 ang naitala sa bayan ng Talisay

Ang mga aktibong kaso sa lalawigan ay umaabot na sa 308

Habang wala namang naitalang nakarekober sa sakit kung kaya’t nananatili ito sa 1,168

Umakyat naman sa 78 ang bilang ng mga nasawi matapos na madagdagan ng 1 kaso kahapon

Ayon sa Camarines Norte IMT, Sa patuloy na pagtaas ng mga kaso sa lalawigan, mahigpit na pinaaalaalahanan ang lahat na patuloy na sumunod sa minimum public health standards

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *