Pfizer, posibleng sa 2022 mag-aplay para sa market release ng kanilang COVID-19 vaccine sa PH

Inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) na posibleng mag-aplay ang US drugmaker Pfizer ng certificate of product registration (CPR) para sa market release ng kanilang COVID-19 vaccine sa Pilipinas sa 2022.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, mag-aaplay muna ang Pfizer sa European Union, matapos sa US FDA.

Sa oras na pumasa doon, ay saka sila mag-aplay sa ibang bansa katulad sa Pilipinas.

Matatandaan na noong Agusto, binigyan ng US FDA ng full approval ang Pfizer vaccine para gamitin sa mga may edad na 16-taong gulang.

Sa ngayon naman, tanging ang COVID-19 vaccines mula sa Pfizer at Moderna ang inaprubahan para sa mga adolescents na may edad 12-taong gulang pataas sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *