SSS Legazpi Branch bukas para sa online transactions; Temporary Lockdown nagpapatuloy

LEGAZPI-Nilinaw ng Social Security System o SSS Legazpi Branch na wala pang abiso ang lokal na gobyerno ng Legazpi kung kailan magiging lifted ang lockdown ng kanilang opisina.


Ayon kay Jeanette Mapa, tagapagsalita ng SSS Legazpi Branch, noong linggo sila inabisuhan ni Legazpi City Mayor Noel Rosal na isailalim sa temporary Lockdown ang opisina para bigyang daan ang disinfection, contact tracing at pagkukundukta ng testing matapos na magpositibo ang empleyado sa COVID-19.


Aniya, sa kabila ng lockdown ay patuloy pa rin ang kanilang binibigay na serbisyo dahil naka work from home naman ang kanilang mga empleyado para ma accomodate ang may mga online transactions tulad ng magbabayad ng mga loans at iba pa.

Subalit sa mga serbisyong hindi available online, tulad ng applications at pagsumite ng mga dokomentos maaari itong ipadala sa mga dropboxes na makikita sa ibat ibat SSS Branch sa lalawigan ng Albay

kung babalikan kahapon lamang nagsimula ang temporary lockdown sa nasabing opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *