10 hog raisers sa Cauayan City, recipients ng sentineling program ng isang feed company

Nasa 10 mga hog raisers mula sa isang barangay sa Cauayan City ang magiging pilot ng sentineling program ng isang feed company sa lunsod.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Doc. Ronald Dalauidao, ang City veterinarian, nakipag-ugnayan sa kanilang tanggapan ang naturang feed company at batay sa kanilang guidelines ay napiling gawing recipient ang mga hog raisers na hindi tinamaan o naapektuhan ng ASF sa Brgy, Baringin Sur.

Aniya, bibilhin ng hog raisers ang sentinel pigs mula sa naturang feed company ngunit cover ng company ang 1/3 cost ng pag-aalaga.

Bagaman wala umano siyang datos kung ilan ang bibilhin ng bawat recipients gayunman ang protocols sa sentineling ay 10% capacity lamang ng populasyon ng dating inaalagaang baboy ang maaring alagaan muna.

Sa ngayon ay hinihintay nalang aniya ang mga sentinel pigs at nakahanda na ang mga paglalagyan sa mga ito.

Sinabi rin ni Doc. Dalauidao na, inayos din ang mga kulungan ng baboy upang matiyak na walang makakapasok na ASF virus kung saan sagot parin ng mga hog raisers ang cost sa improvements.

Ang partisipasyon aniya ng City Vet sa naturang sentineling program ay imomonitor nila ang mga aalagaang baboy habang ang national government ay kalakip naman ang insurance mula sa PCIC.

Samantala, sa ngayon ay wala pa naman aniyang koordinasyon sa kanilang tanggapan ang DA Region 2 para naman sa sentineling program ng ahensya gayunman inihahanda na ito ng DA.

Target aniya ng DA para sa naturang programa ang mga hard-hit na lugar ng ASF.

Sa lunsod ng Cauayan ang lugar sa Tanap at West Tabacal Region ang pangunahing tinamaan ng virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *