Pamimigay ng ayuda sa transport sector pinag-aaralan na nang pamahalaan

Pinag-aaralan na pamahalaan ang posibleng ayuda na ibibigay sa mga tsuper at operators ng pampublikong sasakyan.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinihintay nila ang pormal na paghahain ng petisyon para sa dagdag-singil sa pamasahe.

Inilahad ni LTFRB Executive Director Joel Bolano na nagkausap na sila ng Department of Energy (DOE) kaugnay sa kung anong tulong ang ipapamahagi sa mga benipisaryo.

Maaari umano itong cash assistance o di naman kaya ay fuel subsidy.

Nabatid na P3.00 ang gustong ihirit na dagdag singil sa pamahasahe ng mga transport group dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *