Masyado pang maaga para ibaba ang COVID-19 alert level sa NCR – Health workers

Naniniwala ang ilang mga medical frontliners na masyado pang maaga para ibaba ang alert level sa National Capital Region.

Paliwanag ni San Lazaro Hospital–Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine chairperson Dr. Rontgene Solante, sa kanilang pananaw hindi pa naman ganoon ka-significant ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.

Dagdag pa ni Solante dapat ding ikonsidera ng pamahalaan na bilang ng mga health workers sa mga ospital lalo na’t nitong nakalipas na linggo ay natamaan rin ang ilan sa mga ito ng sakit.

Nilinaw naman ni Solante na hindi sila tutol sa pagluluwag ng COVID-19 restrictions subalit dapat umanong idelay muna ang pagpapatupad nito.

Iginiit pa ng infectious disease expert na kailangan munang hintaying ang dalawang linggo at kung magtutuloy ang downtrend ng mga kaso dito na maaring ibaba sa alert level 3 ang status ng NCR.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *