Comelec muling nanawagan sa publiko na magparehistro na at huwag hintayin ang deadline

SORSOGON CITY – Muling nanawagan ang City Commission on Elections (COMELEC) sa publiko na magparehistro na habang maaga.

Apela ito ni City Comelec Acting Election Officer na si Atty Carla Jerrera, aniya, ito’y upang maiwasan ang siksikan sa mga tanggapan ng Comelec kung saan muling nagbalik ang voters’ registration noong Enero.

Sinabi pa ng opisyal na huwag nang hintayin pa ang deadline na itinakda sa September 20, 2021 at maiging maglaan ng oras na magtunggo sa kanilang tanggapan para magparehistro.

Nabatid na sa muling pagbubukas ng rehistrayon ay may tinatayang nasa mahigit 99,000 na ang bilang ng mga nagparehistro.

Bagama’t naiintindihan ng Comelec ang sitwasyon dahil sa COVID-19 pandemic, huwag na sana raw hintayin ang huling buwan, linggo o araw ng pagpaparehistro upang hindi maghabol at hindi na rin makipagsiksikan sa iba.

Dagdag pa ng opisyal, inaasahan din nila na posibleng dumagsa ang mga botanteng may edad 18 taong gulang at senior citizen sakaling magbago ang ipinapatupad na community quarantine dahil sa ngayon ay hindi pa sila pinapayagang lumabas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *