Ilang senior citizens sa bayan ng San Marcelino, Zambales tumanggap ng 2nd dose ng bakuna kontra covid-19

SAN MARCELINO-Nabakunahan na ng 2nd dose ng bakuna kontra corona virus ang ilang mga senior citizen sa San Marcelino, Zambales.

Ito ay sa pagpapatuloy ng mass vaccination ng Local Inter Agency Task Force Ng San Marcelino para sa mga senior at iba pang nasa group A2 priority.

Ayon sa Municipal Health Office, ang ikalawang dose ng bakuna ay simulan noong nakalipas na Miyerkules na isinagawa sa Municipal Vaccination Operation Center.

Matatandaan na sa San Marcelino ay may mahigit isandaang kwalipikadong seniors ang target na mabakunahan at ang ilan sa mga ito ay sumalang na sa ikalawang bugso ng bakuna.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: San Marcelino Public Information Office

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *