Pagpupuslit ng illegal na droga sa SoCot prov’l jail, napipigilan na

KORONADAL CITY — DAHIL sa mahigpit na pagbabantay sa loob at labas ng South Cotabato Provincial Jail, napipigilan na umano ang pagpupuslit ng illegal na droga sa nasabing pasilidad.

Sa panayam ng ng Brigada News FM Koronadal kay South Cotabato Jail Warden Lorry Celeste, sinabi nito na wala ng naitatalang insidente nang panghahagis ng illegal na droga sa jail.

Sa kabila nito, nakatutuk pa rin umano ang kanilang mga jail guards sa mga perimeter fence ng pasilidad maliban pa sa mahigpit na monitoring sa kanilang main gate upang mapigilan ang posibleng pagpuslit ng mga illegal na droga sa pamamagitan ng mga pinapapasok na pagkain o padala.

Matatandaan na ilang beses nang hinagisan ng illegal na droga ang jail at ilang beses na ring may nakumpiskang illegal na droga sa mga ipinapasok na pagkain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *