Mambabatas, nanawagang taasan pa ang food production sa gitna ng banta ng krisis sa pagkain

Umapela ang isang mambabatas sa susunod na administrasyon na gumawa na ng mga hakbang para mahinto ang pinangangambahang krisis sa pagkain.

Hinikayat ni Dinagat Islands Rep. Alan Ecleo ang susunod na gobyerno at ang mga kapwa niya mambabatas na magkaroon ng programa para matulungan ang mga magsasaka, mangingisda, at iba pang mga Pilipinong nasa sektor ng agrikultura.

Kinakailangan umanong palakasin pa ang imprastrakturang ng agri-sector; at palawigin ang isasagawang mga trainings at pagbibigay ng kapital sa mga ito.

Paliwanag ng mambabatas, mahalaga ang pagpapaigting sa local food production lalo na’t hindi puwedeng umasa lang tayo sa mga imports.

Bago ito, una nang tiniyak ni Agriculture Secretary William Dar na puspusan ang ginagawa nilang mga programa para tugunan ang problema ng food crisis.

Hinikayat din ng Kalihim ang mga Pilipino na sanayan ang urban farming – o ang pagkakaroon ng sariling mga tanim para maibsan ang problema ng krisis sa pagkain.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *