Prince William, nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine

Natanggap na ni Prince Willaim ng Britain ang unang dose nito ng COVID-19 vaccine.

Makikita sa Instagram page ng Duke of Cambridge ang pagpapaturok nito ng bakuna.

Sinabi ng 38-anyos na prinsipe na nagpapasalamat siya sa lahat ng mga tao na nasa likod ng vaccine rollout.

Bukod kay Prince William, ay naturukan na rin ng first dose ng COVID-19 vaccine sina Queen Elizabeth, Prince Charles, at ang asawa nito na si Camilla.

Mababatid na umabot na sa 37.5-million ang bilang ng mga tao na nabigyan ng first dose ng COVID-19 sa Britain.

Kaugnay nito ay naiulat naman ng Britain na nakapagtala ito ng panibagong 2,874 COVID-19 cases, na pinakamataas mula pa noong April 19.

Naitala rin ng Britain ang karagdagang 7 na nasawi matapos ang 28 araw mula nang sila ay magpositibo sa COVID-19 test. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *