Pilipinas, sinuspinde ang deployment ng mga nurse sa Israel

Nagdesisyon ang gobyerno ng Pilipinas na suspendihin ang deployment ng mga Pilipinong caregivers sa Israel dahil sa tensyon na nagaganap sa nasabing Middle-Eastern country.

Pero nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na walang ipinatutupad na deployment ban ang gobyerno at sa halip ay ipinagpapaliban muna nito ang pagpapadala ng mga Pilipinong caregivers sa Israel hangga’t hindi pa bumubuti ang sitwasyon doon.

Hinimok naman ng kalihim ang mga caregivers at iba pang health care workers, na nakatakda na sanang umalis ng bansa, na ipagpaliban ang kanilang departures ng ilan pang araw para maiwasan ang anuman panganib.

Sinuportahan naman ng MalacaƱang ang nasabing hakbang kung saan ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang magandang dahilan ang gobyerno para payagan ang deployment ng mga empleyado sa gitna ng kanilang pagpaplano ng evacuation at repatriation para sa mga Pilipino na nasa Israel.

Una nang naiulat ng Philippine Overseas Employment Administration na nasa halos 400 ang bilang ng mga Pilipinong caregivers ang nakatakdang umalis papuntang Israel sa katapusan ng May.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *