ZAMBALES-Bubuksan na uli ng paunti-unti simula ngayong May 28 ang industriya ng turismo sa Zambales.
Ito ay upang makabawi na kahit paano matapos maapektuhan ng husto dahil sa ipinatutupad na mga travel restricitons dahil sa covid-19 pandemic.
Magkagayunman ang mga turista ay kailangang magrehistro muna sa ViS.I.T.A website ng tourism office para sa mga detalye ng pupuntahan at tagal na pananatili sa Zambales.
Tanging mga turista lamang mula sa MGCQ low risk areas ang tatanggapin, may RT-PCR negative test result at hindi papayagang makapasok kung walk-in.//Russell Banawa-BNFM IBA
Photo Courtesy: Zambales Tourism