Robredo, bukas para infomercial kasama si Duterte

Bukas si Vice President Leni Robredo na lumabas kasama si Pangulong Rodrigo Duterte para sa isang infomercial, para mahikayat ang mas marami pang Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Robredo, kung ito umano ay kailangan para makatulong sa vaccine trust, ay kahit anung oras, at kahit saan ay willing siya na makipagtulungan.

Matatandaan na si Senator Joel Villanueva ang nagmungkahi na maglabas ng isang infomercial, kung saan featured ang dalawang top officials ng Pilipinas, para makatulong na mapalakas ang vaccine confidence ng publiko.

Pero bago umano ito mangyari, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kailangan linawin muna ni Robredo ang kanyang stand sa China-made vaccines.

Sinabi naman ng pangalawang pangulo na wala siyang ginagawang diskriminasyon, sa halip ay nais lang niyang matiyak na lahat ng brands ay sumailalim sa kaparehong experts’ evaluation. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *