Abalos, denepensahan ang apela na courtesy resignation para sa mga top PNP officers

Denepensahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang kanyang apela sa mga top officers ng Philippine National Police (PNP) na magsumite ng kanilang courtesy resignation para linisin ang institusyon, para sa mga dawit sa ilegal na droga.

Giit ni Abalos, ito ay radical at extraordinary times na panawagan para sa radical at bold initiatives.

Dagdag nito, nakakuha na ng maraming pera, kapangyarihan at resources ang mga police officers na sangkot sa drug dealing.

Ang pahayag ng DILG chief ay sa gitna ng mga batikos sa kanyang approach na habulin ang mga tiwaling pulis.

Paliwanag ni Abalos, ang naturang hakbang ay pinag-isipang mabuti, sa kabila na posibleng manganib ang kanyang seguridad maging ng kanyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *