DILG, tinatalakay pa kung ano ang gagawin sa mga PNP officials na hindi magsusumite ng resignation

Papalo na sa 60% o halos 500 sa 947 generals at full colonels ang nagpasa ang kanilang resignation, kasunod ng panawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa mga top officers ng Philippine National Police (PNP) na magsumite ng kanilang courtesy resignation para linisin ang institusyon, para sa mga dawit sa ilegal na droga.

Mababatid na ang deadline para sa submission nito ay sa katapusan ng Enero.

Ayon kay Abalos, tinatalakay pa nila kung anu ang gagawin sa naturang mga opisyal na hindi magsusumite ng kanilang resignation.

Sinabi naman ng DILG secretary na ang proseso ay kinabibilangan ng dalawang bahagi, kung saan ang una, ay evaluation sa mahigit 900 PNP officers ng five-man panel, na magsusumite ng recommended list sa National Police Commission para sa dagdag na review.

Ang mga tatangging magbitiw sa pwesto na mapapatunayang sangkot sa anomaliya, ay tiyak umanong mahaharap sa criminal case, pero kung magiging inosente, ay maipagpapatuloy ang kanilang serbisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *