Accomplishment ng Camarines Norte sa Measles Rubella vaccination halos 60 % pa lang, OPV nasa 23 %

CAMARINES NORTE- Halos nasa 60 porsiento pa lang ang accomplishment ng Camarines Norte sa Measles Rubella vaccination na nasa ikatlong linggo na ngayon.

Sa tala ng Department of Health Provincial Office hanggang kahapon May 17, nasa 59. 39 % pa lang ang mga nabakunahan kontra Measles at Rubella sa 65, 241 na eligible na bata edad 9 to 59 months.

Nasa 21, 669 na mga batang edad 9 to 11 months ang nabakunahan, 17, 081 sa 12 to 59 months na may kabuuang bilang na 38, 750.

Mayroong 727 na na- defer at 48 ang tumangging pabakunahan ang kanilang anak.

Ang Vinzons ang may pinakamalaking accomplishment sa ngayon na nasa 64. 51 % na sinusundan ng Basud na nasa 63. 49 %.

Ang San Vicente ay mayroong 62. 66 %, Paracale 66. 46 % at ang Talisay na may 59. 84 %.

Pagdating naman sa Oral Polio Vaccine (OPV) ay mababa pang masyado ang accomplishment ng lalawigan na nasa 23. 66 %

Sa eligible population na 76, 188 o ang 0 to 59 months nasa 18, 029 ang na- immunized.

Una nang ipinaliwanag ni DOH Bicol Regional Director Dr. Ernie Vera na kaya mababa ang accomplishment sa OPV ay dahil mayroong lugar na binigyang prioridad.

Ang mga lugar na ito ay ang mga nakapagtala dati ng mataas na kaso ng polio.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *