ACT Sorsogon City Chapter, binigyang diin na mga education grauduate at LET passer ang dapat na magturo sa Day Care

Binigyang diin ng Alliance of Concerned Teachers Sorsogon City Chapter na ang mga nakapagtapos ng kursong Education at passer ng Licensure Exam for Teachers at mga hindi pa nakakapasok sa DepEd ang kinukuha bilang mga tagapagturo sa day care.

Ayon kay Narlyn Dechavez ng ACT Sorsogon City Chapter, ito’y dahil ang mga day care centers ang pundasyon ng edukasyon kung kaya kailangan itong matutukan.

Aniya, kung pababayaan kasi ang mga day care centers ay ang mga guro naman na nasa primary at intermediate katulad nila ang mahihirapan. Kaugnay nito, kinumpirma ni Dechavez na ang nasabing bagay din umano ang kanilang napagkasunduan sa Local School Board kung saan kanila din umanong sisikapin na mabigyan ng maayos na honorarium ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *