Adamson nilaglag ang La Salle sa Final Four ng UAAP season 85 men’s basketball

Nagtala ng come from behind win ang Adamson University laban sa De La Salle University para kunin ang huling Final Four spot sa UAAP Season 85 Men’s Basketball tournament, 80-76.

Umabot ng hangang labing tatlong puntos ang nilamang ng La Salle sa 3rd Quarter sa Adamson subalit bago matapos ang period ay nagawa itong idikit ng Soaring Falcons.

Bumida sa panalo ng AdU si Jerome Lastimosa na humakot ng 22 points, six assists, at three steals, habang si Joshua Yerro ng 13 points, six rebounds, at isang assist.

Sa panig ng Green Archers nanaguna dito Evan Nelle sa kanyang 22 points, seven assists, four rebounds, one steal, at one block.

Makakalaban naman ng Adamson ang no. 1 seed na Ateneo de Manila University Blue Eagles na hawak ang twice-to-beat advantage.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *