HIV cases sa Goa, Camarines Sur nadaragdagan din

NAGA CITY – Alarming para sa Municipal Health Office Goa, Camarines Sur ang pagtaas ng  Human Immuno-deficiency Virus (HIV) case sa Pilipinas, matapos na makapagtala ng 1,347 bagong kaso noong Setyembre na mas mataas ng 37% kumpara sa 981 na kaso na iniulat sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Jaypee Pares, Acting Municipal Nutrition Action Officer sa bayan, sinabi nitong may pagdagdag rin sa kaso ng sakit sa naturang bayan na kadalasay tinatamaan mga kalalakihan at mga nagbibinata o nagdadalaga, na mas prone dahil sa pagiging mausisa nila at aktibo sa mga sexual activity.

Tumanggi nang makapagbigay ng datus ang naturang opisina dahil bukod sa iniingatan nila ang kapakanan ng lahat.

Ang HIV ay nakakahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik, breastfeeding at mga injection o needle transmission. Ang pagpapa-inom ng retroviral medicine na tumutulong na mabawasan ang pagkalat ng sakit sa katawan ng isang HIV patient.

Kaya paalala ng opisina, hanggat maaari umiwas, maging tapat, gumamit ng condom, iwasang makagamit ng mga drugs o alcohol, at alamin ang hinggil sa sakit nang sa gayon ay maiwasan rin ang pagkalat nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *