Agaton death toll – 23

Umakyat na sa 23 ang bilang ng mga napaulat na nasawi sa Eastern Visayas dahil sa pananalasa ng Bagyong Agaton.

Ayon kay Police Regional Director 8 PBGen Benard Banac, naitala ang mga nasawi mula sa nangyaring landslide sa Baybay City Leyte.

Partikular na tinukoy ang 11 mula sa Barangay Mailhi, 5 sa barangay Kantagnos 2 sa Maypatag, tig-iisa sa Candadam, Bunga, Can-ipa, at sa Visayas State University.

Kaugnay nito, sinabi naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesman Mark Timbal na patuloy ang ginagawang search and rescue operations ng mga awtoridad sa nangyaring landslide sa Baybay City.

Mababatid na una nang napareport ang tatlong nasawi dahil sa bagyong Agaton sa Monkayo, Davao de Oro at sa Cateel, Davao Oriental.

Samantala, sinabi din ni Timbal na patuloy ang ginagawang pamamahagi ng relief goods sa mga residenteng apektado ng kalamidad. (Clay Marquez)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *