Ilang tourist spots pansamantalang sarado dahil sa pag-ulan

SORSOGON CITY – Nagdeklara ng pansamantalang pagsasara ang ilang tourist spots dahil sa malalakas na buhos ng ulan, sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon sa ipinalabas na pahayag kahapon, Abril 11, ng Matnog Tourism Culture and Arts Office at Bulusan Municipal Tourism Office, pansamantalang kanselado ang Subic Beach Trip and Island Hopping Tour, pati na rin ang Bulusan Lake at Dancalan Beach Resort sa mga bayan ng Matnog at Bulusan ng nabanggit na lalawigan.

Ayon naman sa pahayag ni Sorsogon Provincial Tourism Culture and Arts Office (SPTCAO) head Bobby Gigantone sa Brigada News FM-Sorsogon, maaaring antabayanan na lamang umano ang abiso ng Local Government Units (LGU) kung kailan muling papayagan ang pagbubukas ng mga nasabing pook-pasyalan.

Aktibo naman sa pag-update ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang ahensyang nangunguna sa pagpaparating ng warning signals, emergency, evacuation, rescue at iba pang tulong sa panahon ng sakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *