ALBAY 2ND DISTRICT ENGINEERING OFFICE NG DPWH NAKIPAG UGNAYAN NA SA BARANGAY OFFICIALS PARA RESOLBAHIN ANG REKLAMO SA MARUMING TUBIG SA BARANGAY BUENAVISTA LUNGSOD NG LEGAZPI

LEGAZPI CITY – Reresolbahin agad ng contractor na kinakatawan ng Project Engineer ang reklamo ng Barangay Kapitan at mga residente ang maruming tubig sa Barangay Buenavista lungsod ng Legazpi. Ito ang nakuhang impormasyon ng Brigada News Fm Legazpi mula sa Albay 2nd District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

 Ayon sa tanggapan, mayroon na silang inilatag na planu upang masolusyunan ang kinakaharap na problema sa tubig ng nasabing barangay.

 Planu ng ahensya ay lilinisin ang water reservior sa tulong ng mga contrators, pakikipag usap o pulong sa City Engineering Office at pagsasagawa ng site inspection sa lugar.

 Naniniwala ang Dpwh ang mga reklamo ay mabibigyan ng agarang solusyon dahil sa napakaimportante umano ang kanilang tubig sa araw araw.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *