P1.6M fund ilalaan ng LGU para sa recreational facility sa Brgy. Homapon, Legazpi City

LEGAZPI CITY – Isang recreational facility na magagamit para sa sports development, youth activities, mental health promotion, at function area ay planong patayuan ng City Local Government Unit ng Legazpi sa Sitio Crossing, Barangay Homapon.

Sa ginawang groundbreaking ceremony nito lamang myerkules sinabi ni Mayor Noel Rosal na ang pagtatayo ng pasilidad ay isang welcome development.

Aniya, pangunahing makikinabang nito ay ang mga kabataan na matagal nang nanatili sa bahay sa gitna ng mga paghihigpit sa community quarantine.

Dagdag pa nito, ang pasilidad ay pagmamay-ari ng barangay dahil ang lupa ay donasyon ng pamilya Gumban. Sinabi ni Rosal na ang pasilidad ay magiging covered at all-weather multi-purpose hall na maaaring gamitin sa iba’t ibang aktibidad.

Sa pamamagitan ito ay tinatawag na isang private-public partnership (PPP) ang nasabing proyekto. Sinabi rin ni City Engineering Office head, Engr. Clemente Ibo ang PHP1.6-million recreation facility na itatayo na 1,000-square meter na lote ay inaasahang matatapos ito sa buwan ng Disyembre.

Maliban sa pagtatayo ng concrete pavement na may 32 meters x 19 meters (150mm thick) at slope protection para sa pag-iwas sa landslide, naka-program na rin ang lungsod para sa 2022 ang pagtatayo ng iba pang pasilidad ng barangay gaya ng health center, at barangay hall.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *