Albay natanggap na ang dumating na Coronavac; distribusyon sa iba pang lalawigan ng Bicol nagpapatuloy-DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Health (DOH) Bicol na tanging ang kumuha pa lang ng bakuna dumating nitong nakaraang araw ay ang lalawigan ng Albay.


Ayon kay Dr Rita Mae Ang Bon, Covid 19 Vaccination program ng nasabing tanggapan, ngayon araw na lunes ay inaasahan na ipagpapatuloy ang distribution ng Coronavac Vaccines sa limang lalawigan sa Rehiyon Bicol.


Aniya, pinaghati hatian na rin ng bawat lalawigan kung saan lahat ay makakatanggap ng bakuna.


Dagdag pa nito, oras na makuha na nila ang nasabing bakuna ay inaasahan din na magsasagawa rin ng pagbabakuna sa mga lalawigan.


Aabot pa lang sa 51% ang nababakunahan sa A1 priority group sa buong bicol region.


May mga healthcare workers na ayaw pa rin na magpabakuna sa kadahilanan rin na hindi sa kanila angkop ang bakuna dahil sa kanilang kondisyon ng katawan.


Samantala, Ayon kay Rita, sasapat na rin ang bakuna na dumating na mahigit sa 60K 1st doze at 2nd doze para sa A1 prioritization.


Inaasahan rin na ipapamamahagi na rin ito sa bawat LGU’s upang mabigyan na rin ang lahat na medical frontliner.


Sinabi ng opisyal, inaasahan rin sa mga susunod na araw o linggo ang mga senior citizen at comorbidity ang target na rin na babakunahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *