UK magpapadala ng 1,000 ventilators sa India

Magpapadala ang Britanya ng 1,000 ventilators sa India bilang suporta sa “struggle” ng healthcare system doon dahil sa pagsirit ng COVID-19 cases

Una dito ay nagpasya ang British government na magpadala ng 600 medical devices kabilang ang ventilators at oxygen concetrators.

Sinabi ni Foreign Secretary Dominic Raab na determinado silang tulungan ang kaibigang bansa na India na labis na nakalugmok ngayon sa health crisis.

Maliban sa tulong, ilang top British health officials din ang nag-alok sa kanilang counterpart sa India ng mga payo sa paglaban sa pandemya.

Matatandaan na hindi bumababa sa 300,000 na kaso ng COVID-19 ang naitatala sa India sa loob ng sampung (10) sunod na araw na naging dahilan ng kakulangan ng mga ospital, gamot, oxygen, morgue at maging ng mga crematorium

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *