Albay’s native indigenous people, posibleng mabigyan ng handog sa Daragang Magayon Charity Day sa unang pagkakataon

LEGAZPI CITY – Pinaplano ngayon na bigyan ng espesyal na handog ang Albay’s Native Indigenous People sa isasagawang Daragang Magayon Charity Day sa Mayo 16, 2023.

Ayon kay Vice Governor Glenda Ong Bongao, ang IP ay miyembro ng Agta Tabagnon Tribe, kung saan iimbitahan sila na sumali sa mga inihandang aktibidad.

Aniya, apatnapung mga bata at babaeng kabaatan ang mabibigyan ng pagkakatong makausap ang mga opisyal na kandidato sa Daragang Magayon Pageant upang makapagbigay ng dagdag kaalaman at karanasan.

Dagdag pa niya, magkakaroon din ng pagbibigay ng regalo, feeding program, personality development at photoshoot.

Sa ngayon, inaasahan ng opisyal na magiging maganda ang resulta ng aktibidad na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *