Oil depot sa bayan ng Pilar, magbibigay ng maraming pagkakataon sa trabaho

Bukod sa posibleng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo, inaasahan din ang maraming trabahong malilikha ng bubuksang Oil Depot sa Barangay San Antonio Sapa sa bayan ng Pilar.

Ayon kay Board Member Ryan Dioneda, katunayan umano ay kanila nang ipinaki-usap sa pamunuan ng pasilidad na mga residente ng lalawigan ang kunin upang magtrabaho dito.

Partikular na tinukoy ng opisyal ang mga nasa industriya ng turismo lalo na yaong ang hanapbuhay ay nakasalalay sa Butanding season.

Ibig sabihin, kapag hindi pa season ng Butanding ang mga indibidwal na ito ang pinagkakakitaan ay sa oil depot muna magtatrabaho na sinang-ayunan naman umano ng pamunuan ng nasabing oil depot.

Mababatid na sa kasalukuyan ay gawa na ang mismong depot kung saan tanging kulang na lamang upang makapag-operate ay ang daungan ng barge o barko at ang permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *