Alert Level System, hindi pa epektibo sa Palawan

Hindi pa epektibo ang Alert Level System sa rehiyon ng MIMAROPA kaya patuloy pa rin ang pagsusuot ng faceshield sa buong lalawigan ng Palawan.

Ayon kay Provincial Information Officer Attorney Christian Jay Cojamco, ang Alert Level System na inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ay binubuo ng Phase 1 2 3 at4 at ang Region 4B ay kabilang sa Phase 4 na kung saan ay hindi pa inanunsyo kung anong Alert Level.

Dagdag pa ni PIO Cojamco, hinihintay pa din ang kautusan sa National Inter Agency Task Force kung anong alert level system maisasama ang probinsya.

Samantala, hinihikayat din ng opisyal ang mga Palaweño na magsuot pa rin ng facehield lalo sa mga pampublikong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *