‘Aliases’ ng pangalan ng suspek at biktima sa PNP news release, binatikos ng mga mamamahayag

Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga mamamahayag sa Bicol at Albay sa ipinatupad ng PRO5 na puro ‘aliases’ lamang ang mga pangalan ng mga suspek at biktima sa kanilang ipinapalabas na news release.

Maliban pa rito, ‘off limits’ na rin sa mga media ang police blotter na sa mahabang panahon ay bukas ito lalo na sa mga police beat reporters at maging sa mga ordinaryong mamamayan dahil ito ay isang public document.

Nagkaisa ang mga mamamahayag na ang pinapatupad ngayon ng PNP na data privacy act (DPA) ay isang pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag ng media lalo na sa ‘freedom of information’ o ‘access to information’ na isang constitutional rights ng mga media dahil ang mga nakukuhang impormasyon ng mga ito ay para lang naman sa interes ng publiko.

Nagkaisang naglabas ng sentimiyento ang mga mamamahayag na tila inilalayo lamang ng PNP ang loob ng media na matagal na nilang kasangga sa programa sa kapayapaan at kaayusan.

Sa Sorsogon, una nang binatikos ng Brigada News ang Sorsogon PNP kahit na nagpaliwanag ang mga ito na sumusunod lamang sila sa direktiba ng nasa taas.

Sa pinairal na DPA ng PNP, binago nito ang pinakabatayan na paggawa ng basic na balita na binubuo ng 5Ws (who, what, where, when, why) at 1H (how).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *