Alkalde ng Sto. Domingo, Albay, nilinaw na walang existing loan para sa ipapatayong community college; isa sa mga konsehal, umalma

LEGAZPI CITY – Inalmahan ng ilang mga konsehal ang ordinansa sa pagpapatayo ng Community College sa bayan ng Sto. Domingo, Albay.

Matatandaan, Marso 14 nang naipasa ang ordinansa sa ginawang 29th Session Regular ng Sangguniang Bayan ng nasabing lugar, kung saan dumaan muna ito sa mahabang deliberasyon bago naaprubahan.

Sa ginawang botohan, nakakuha ito ng 5 affirmative votes, 4 negative votes, at 1 abstention vote.

Samantala, sa social media post ng isa sa mga hindi pumapayag na maipasa ang ordinansa na si Coun. Christian Binamira, sinabi nyang ‘no to fake news’ umano.

Aniya, karapatan ng Domingueños na malaman ang totoo na mayroong existing loan para sa community college.

Ito naman ay sinalungat ni Mayor Jun Aguas na wala umanong existing loan ang LGU at ito ay request pa lamang.

Sabi naman ng alkalde, mag re-resign umano siya kung may maipipresenta sa kanyang existing loan, ngunit kung wala naman, ang sinumang umalma sa ordinansa ang siyang magresign. | MARVIN CORDOVILLA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *