Ama ni Taylor Swift, hindi kakasuhan matapos ang panununtok sa isang paparazzi

Hindi kakasuhan ang ama ng pop star na si Taylor Swift matapos ang pagsuntok nito sa isang paparazzi habang bumababa sa isang Sydney superyacht sa Australia.

Inakusahan ng beteranong photographer na si Ben McDonald na sinaktan siya ni Scott Swift habang kumukuha siya ng larawan saUS pop star at sa kanyang entourage sa isang party matapos ang kanyang apat na sold-out shows.

Ngunit ayon sa isinagawang pagsisiyasat ng Australian Police, hindi nila aaksyunan ito.

Hindi rin nag-alok ang puliusya ng mga detalyeng natuklasan nila sa imbestigasyon.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *