Andrea Brillantes, kinausap ni Sabrina Carpenter sa concert

Tuwang-tuwa ang mga netizens at concert-goers dahil nagkaruon ng interaction si Kapamilya actress Andrea Brillantes at international singer na si Sabrina Carpenter sa kanyang concert dito sa Pilipinas.

Nang inabutan ito ng mic habang on-going ang concert, relate na relate raw si Andrea sa mga kanta nito tungkol sa pagtataksil at mga reputasyon.

Laking gulat pa ni Sabrina na kilala lahat ng audience ang aktres at ang ex-boyfriend niyang tinutukoy sa kanilang pag-uusap dahil publiko naman ang dating relasyon nito sa basketball player na si Ricci Rivero.

Isa si Andrea sa mga dumalo sa concert ng singer sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Sa huli, hindi makapaniwala si Andrea sa kanilang pagu-usap at nagpasalamat sa mga nakasamang audience dahil sinuportahan nila ito nang sobra.

Photo credits from: Brilliants Gaming

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *