Anim patay sa dengue sa South Cotabato

KORONADAL CITY- UMAKYAT na sa 728 ang kaso ng dengue sa lalawigan ng South Cotabato. Ito ang inihayag ni provincial mosquito borne disease coordinator Jose Barroquillo batay sa tala ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) mula noong January 1 hanggang June 7 ngayong taon.

Ayon kay Barroquillo na bagamat mas mataas ito ng 24% kumpara sa kaso sa katulad na panahon noong nakaraang taon, hindi naman aniya ito umabot sa epidemic o alert threshold.

Sa naturang bilang, anim na ang naitalang namatay na residente ng Koronadal City, Lake Sebu, Norala, Tampakan, Tantangan, at Tupi.

Dahil dito, nanawagan si Barroquillo sa mga mamamayan na huwag ng hintayin pa na magkaroon ng dengue outbreak bago umaksyon kontra dengue.

Umapela din ito sa lahat na na ipatupad ang 4S Strategy o ang Search and Destroy, Self-Protection Measures, Seek Early Consultation, and Support Fogging or Spraying sa mga hot spot areas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *