Anti-Dangling Ordinance, malapit nang ipatupad sa Olongapo, ilang kompanya pagmumultahin

Mapapatawan na ng multa ang mga internet providers, telecommunication companies at electric distributor sa Olongapo na lalabag sa panukalang Anti-Dangling Ordinance.

Ito ay ang ordinansa na magpaparusa sa mga kompanyang hindi inaayos ang mga sali-salibat at nakalaylay na kable ng telepono o kuryente sa maraming parte ng Olongapo.

Ayon kay City Council Committee on Public Utilities Chairman Ying Anonat, kapag umiral ang ordinansa, bawat kable na lalalay ay may kaakibat na multa na di bababa sa limang daang piso at di lalagpas ng 5-thousand pesos.

Ipanunukala rin ni Anonat na hindi payagang makapag-renew ng business permit ang mga kompanyang ito na paulit-ulit nang lumalabag at bigong magbayad ng multa.//Christian ANdres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *