Apec, pinaliwanag ang operasyon na nauwi sa pisikalan sa Brgy. Bacolod, Tabaco City

LEGAZPI-Nilinaw ng Albay Power and Energy Corporation o APEC ang totoong nangyari sa barangay Bacolod sa Tabaco City matapos humantong sa kaguluhan ang sana’y matiwasay na anti-illegal connection of electicity operation.

Ayon kay Pat Gutierrez, tagapagsalita ng APEC, matagal na nilang pinagplanuhan na puntahan ang nasabing barangay katuwang ang PNP para sa pagbibigay seguridad.

Aniya, sa aabot mahigit 200 na consumers, 4 lamang ang nagbabayad at patuloy na nangyayari ang illegal connection sa barangay.

Ang isa pa sa ikinasasama ng loob ng tanggapan, sa buong lalawigan ng Albay ang brgy. Bacolod umano ang kauna-unahang barangay na nagbenepisyo ng programang Apec prepaid metering system, na kung saan, ang consumer ang may kakayanang magdesisyon kung ilan lamang ang gusto niyang ikonsumong kuryente.

Subalit, lumalabas umano na mas gusto ng residente na libre ang kuryente kung kaya naglagay at nagtayo ng sariling transformer.

Ito rin ang naging dahilan para umaksyon na ang Apec dahil anuman na konsumo nito sa kuryente ang maidadagdag sa systems loss na babayaran ng mga albayano.

Leave a Reply

Your email address will not be published.