“Last mile vaccination” nakatakdang isagawa ng DOH-Catanduanes sa susunod na linggo

BNFM BICOL—Inihayag ni DOH-Catanduanes Provincial Officer – Dr. Robert John Aquino na nakatakda silang magsagawa ng “last mile vaccination” sa susunod na linggo.

Ayon sa opisyal, layunin nilang maabot ang bilang ng populasyon sa islang lalawigan na target nilang mabakunahan bago matapos ang buwan ng Hunyo, lalo na ngayong may banta ng Omicron sub-variant sa Pilipinas.

Samantala, umarangkada na rin kahapon sa probinsya ang “COVID-19 2nd booster shot” o ang pagtuturok ng ikalawang dose ng booster shot sa mga health workers, mga senior citizens at mga residenteng may comorbidities at mas delikadong mahawaan ng COVID-19.

Matatandaan na una nang sinabi ni Aquino na nananatiling mababa ang bilang ng mga residenteng nagpapaturok ng booster shot sa Catanduanes sakabila ng mataas na vaccination coverage para sa una at ikalawang dose ng bakuna, kung kaya’t patuloy ang kanilang paghikayat sa publiko na tumanggap na ng COVID-19 booster shot para sa mas siguradong proteksyon laban sa nakamamatay na virus.###

Leave a Reply

Your email address will not be published.