APEC pinasalamatan ang mga personalidad na kumalampag sa DOE para kilalanin ang EPSA at mapababa ang power rate sa Albay

BICOL—Pinasalamatan ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) ang mga personalidad na tumulong para kalampagin ang Department of Energy (DOE) upang baliktarin ang unang desisyon nito na pagdeny sa Emergency Power Supply Agreement (EPSA) sa San Miguel Energy Corporation (SMEC).

Ngayong araw, Hunyo 29 ay inaasahang papabor ang magiging desisyon ng DOE sa kahilingang maibalik ang EPSA na nauna na umanong ipinangako ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda.

Maliban kay Salceda, pinasalamatan din ng APEC ang iba pang mga personalidad gaya ni Sen. Bong Go at Sec. Alfonso Cusi sa pagkonsidera sa kanilang apela, gayundin si Albay Governor Al Francis Bichara at Legazpi City Mayor Noel Rosal na nakipag-ugnayan din sa DOE upang matulungan ang mga umaaray na consumers.

Ayon sa APEC, ang pagdeny ng DOE sa EPSA ang dahilan kung bakit mahal ang presyo ng kuryente sa Albay dahil napipilitan silang bumili sa Wholesale Electricty Spot Market (WESM) na mas mahal kesa sa isinusupply ng SMEC. Ayon sa APEC, kung mapapanatili ang EPSA, matitiyak ang mas stable at abot-kayang presyo ng kuryente.

Ang average price kasi sa ilalim ng EPSA ay P5.4750/kWh habang P/kWh 6.8513 ang WESM price.

Sa ngayon, ang presyo ng WESM ay umaabot na sa P 12.84/kWh na napakamahal kumpara sa SMEC price na P6.70/kWh.

Noong nakaraang taon pa umano nagsumite ang APEC sa DOE ng Request for Certificate of Exemption (COE) para sa 40MW Emergency Power Supply Agreement (EPSA) sa SMEC na epektibo mula December 26, 2020 hanggang December 25, 2021.

Pero nitong May 27, 2021 ay nagdesisyon ang DOE na ideny ang kahilingan ng kumpanya na nagresulta sa biglaang pagtaas na power rate dahil sa mataas na presyo ng WESM.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *