Inilabas nan g Phil Army Bicol ang mga pangalan ng 5 nasawi, sugatan at tatlong bihag na miyembro ng NPA matapos ang engkwentro noong Pebrero 9 sa Brgy Guiom, Cawayan, Masbate.
Kinilala ang mga nasawi na sina Rufino Pepito Alba alias Kaloy, commading officer ng PN1, L2, KP4; Biroc Noynay alias Marjon; Jerome Cerudo Sabang; Patrocenio Arcenal Aton at Reneboy Lepar Versaga.
Ang sugatan naman ay nakilalang si Jimuel Dublin Naraja alias Anghel/highblood habang ang nabihag sa labanan ay ang mga NPA sympathizers na sina Diosdado Riveral, Ricardo Capangpangan at Steve Riveral.
Sa nasabing 20-minuto na palitan ng putok, narekober ng tropa ng gobyerno ang 6 na matataas na kalibre ng baril.
